Biyernes, Hulyo 8, 2011

kabanata 6 : Si Kapitan Tiyago


Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa Binondo dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din siya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi Pilipino. Kasundo nIya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miguel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda ng mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, siya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod niya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din siya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siya mayroong handog na regalo.
Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga santa cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa Obando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sra de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak niya siya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki siya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si maria, nang siya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan siya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapasok ni maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

kabanata 5 : Isang Tala sa Gabing Madilim


Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang aso maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng pari.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Franciscano.

kabanata 4 :Erehe at Pilibustero

Hindi alam ni Ibarra kung saan patungo. Binaybay ang plasa ng Binondo, tumingin-tingin sa paligid kung may mga nagbago. Sinundan siya ni Tinyente Guverra at nagkuwento ang tinyente tungkol sa ama ni Ibarra. Pinakamayaman si Don Rafael sa San Diego. Maraming gumagalang at nagmamahal kay Don Rafael, marami rin namang galit at naiinggit dito. Inakusahan si Don Rafael ng hindi pangungumpisal dahil maraming nakaaway na mga pari ng Katolikong Simbahan. Ginawang kulektor ng inyong ama ang isang Kastilang walang alam na pakalat-kalat sa daan. Lagi itong pinagtatawanan ng mga tao roon. Isang araw, binigyan ito ng dokumento, nagdunung-dunungan ito sa pagbasa. Pinagtawanan ng mga bata ang artilyero dahil sa inaasta nito. Sa galit, hinabol niya ito, nang hindi niya mahuli ang mga bata, binato niya ang mga ito ng baton. Natamaan ang isang bata sa ulo at natumba ito, pinagsisipa pa ito ng artilyero. Nagkataong dumaraan si Don Rafael, hinawakan niya kaagad ang artilyero. Sa matipunong katawan ni Don Rafael, may nagsabing nasaktan nito ang artilyero. Sa pagpalag ng artilyero, umitsa ito at tumamaang ulo sa isang malaking bato. Binuhat ni Don Rafael ang bata patungong bulwagang bayan. Sa kabilang dako, sumuka ng dugo ang artilyero at tuluyan ng namatay. Nag-imbestiga ang mga pulis, ikinulong si Don Rafael at naglabasan kung saan-saan ang mga lihim na kaaway. Inakusahan siyang erehe at pilibustero. Inakusahan siyang nagbabasa ng El Correo de Ultramar at ilang ipinagbabawal na babasahin. Nagtago rin ito ng mga larawan at sulat mula sa binitay na pari. Nagsusuot ito ng barong tagalong sa kabila ng pagiging Kastila. Inakusahan ding nakikipagkaibigan sa mga tulisan. Inakusahan ding nangangamkam ng mga lupain. Ipinagtanggol ni Tinyente Guevarra si Don Rafael kaya maraming nagsabi na siya ay nasisiraan na ng bait. Isang Kastilang abugado ang ipinakuha ni Don Rafael kay Tinyente Guevarra. Mahusay ang abugado subalit napakaraming kalaban ni Don Rafael. Sa kabuuan, naging napakasalimuot ng kaso. Sa dalamhati at hirap na dinanas sa loob ng rehas, ginupo ito ng karamdaman. Namatay ito sa loob ng bilangguan na walang mahal sa buhay ang nakiramay.

kabanata 3 : Ang Hapunan


Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing “huwag mo akong alalahanin.”
Si Crisostomo ibarra ay isang mabait at magarang tao sya ay ginagalang ng maraming tao ang kagalit nya ay si padre damaso ngunit kaibigan ng ama ni ibarra si Padre damaso. Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
“Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon”, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

kabanata 2 : Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay dahil sa at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na sana ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit nang tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

kabanata 1 : Isang Pagtitipon

Mga huling araw iyon ng Oktubre nang biglang naghanda ng salo-salo sa kanyang bahay sa may Kalye ng Anluwage at malapit sa Ilog Pasig si Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Si Kapitan Tiyago ay isang mangangalakal na taga-Binondo. Siya ay maginoo, mabait at magalang. Nang gabing iyon, dagsa ang mga tao gaya ng inaasahan. Si Tiya Isabel ang umiistima sa mga panauhin. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Sa kabilang banda ay panay ang pakikipagbalitaktakan ng Paring Dominikano na si Padre Sibyla at Padreng Pransiskano na si Padre Damaso. Napagtalunan nila ang tungkol sa monopolyo ng tabako, at ang pagkakalipat ng Paring Pransiskano matapos maglingkod ng 20 taon sa San Diego. Nagpatuloy ang balitaktakan at patuloy na dumating ang mga panauhin, kabilang ang mag-asawang sina Dr. de EspadaƱa at Donya Victorina.